Thursday, October 23, 2008

Ang Tunay na Pag-ibig

Ang Tunay na Pag-ibig
Ano nga ba ang pag-ibig? Maraming klase ang pag-ibig, pag-ibig sa kapwa, pag-ibig sa pamilya,pag-ibig sa bayan at pag-ibig sa bansa. Ang bawat isa sa atin ay nakaranas na ng pag-ibig pero hindi natin alam kung ito ay tunay. Ang pag-ibig ay hindi nakikita o nahahawakan ito ay ating nararamdaman. Pag naranasan o naramdaman ang tunay na pag-ibig ay siguradong naramdaman mo na ang tunay na ligaya sa buhay.
Ang isang uri ng pag-ibig ay pag-ibig sa pamilya. Nagsisimula ang pag-ibig sa Diyos at susundan ito ng pag-ibig mo para sa pamilya. Gagawin mo ang lahat para sa pamilya mo, kaya mo magsakripisyo para lang sa kanila. Iisipin mo muna ang pamilya mo bago ang sarili mo. Maligaya ka pag nakikitang masaya ang pamilya mo. Lagi mong tatandaan na wala ka sa mundong ito kung hindi dahil sa magulang mo, kaya marapat lang na mahalin mo ang pamilya mo.
Ang pag-ibig sa kapwa lahat tayo ay may pagmamahal sa kapwa o sa katapat mong kasarian. May kasabihang "kung sino pa ang pinaka ayaw mong tao, siya pa ang iyong pinakamamahal." Marami ang naniniwala sa kasabihang ito. Pag nagmahal ka ng tunay ay naramdaman mo din ang tunay na kaligayahan dahil magiging masaya ka sa taong tunay na mahal mo. Lahat tayo ay makararamdam ng tunay na pag-ibig at lahat tayo ay magiging maligaya sa pag-ibig.
Ang pag-ibig sa bayan at pag-ibig sa bansa. Maraming paraan upang maipakita ang pagmamahal mo sa iyong bayan at bansa. Tulad na lang ng pag tangkilik sa ating mga produkto at paggamit sa ating wika. Nararapat lang na mahalin natin ang ating bayan at bansa dahil dito tayo pinanganak at dito rin tayo lumaki .
Binuwis ng mga bayani ang kanilang buhay dahil sa pagmamahal nila sa ating bayan at makamit ang tunay na kapayapaan at tunay na kaligayahan.
Ang tunay na pag-ibig dulot ay tunay na kaligayahan at ang kaginhawaan sa buhay. Ang wagas na pag-ibig sa pamilya, kapwa, bayan at bansa ay nagdudulot ng kapayapaan at ang ligaya. Kung ang pag-ibig ay wala, magulo dito sa ating bansa. Ito ang tunay na pag-ibig, pag-ibig sa tao, bagay at bansa. Nararapat lang na tayo ay magmahalan.

No comments:

Post a Comment